ANG MASID
EDITORYAL

Karapatan sa’ting Likas na Yaman
Nakuha sa satellite image ang mga barkong malapit sa PAGASA Island sa West Philippine Sea ang 9 Chinese fishing vessels at 2 Chinese navy ships na mistulang kapansin-pansin para sa mga Pilipino dahil alam naman natin na may gustong mang-angkin sa mga islang malapit doon.
May karapatan tayo sa mga lugar na sa atin naman talaga kaya mahalagang bigyan ng linaw ang isyu hinggil sa ating mga isla na pinupuntahan ng ibang mga tao upang pagkakitaan at pagkunan n gating mga likas yaman.
Mahalagang magpaabiso ang isang tao sa mga pag-aari ng iba dahil hindi maganda na basta na lang makikialam nang walang pahintulot dahil nakakagulo ng isipan kung ano nga ba ang pakay sa pinakikialamang gamit na iyon at kung bakit nga ba hindi siya nag-aabiso.
Sa mga isyung may kinalaman sa mga ari-arian, importante ang maayos na usapan at pagkakaintindihan dahil kapag kulang sa mga ito, mahirap magkaintindihan at maaari pa itong magbunsod ng kaguluhan.
Pinagpala ang ating bansa sa mga magagandang lugar at likas yaman na dapat nating bigyang importansya at pangalagaan dahil tayo ang may responsibilidad sa mga ito dahil sa atin ito.
By: Gellene Rosalan

Importansya ng Pagkakaisa
Nanawagan si Vice Presidente Leni Robredo sa publiko na ihayag ang pagkadismaya sa police operation kontra ilegal na droga bunsod ng pagkakasawi ng mahigit 30 hinihinalang drug suspects sa probinsya ng Bulacan na mistulang hindi magandang pahiwatig para sa karamihan dahil mahalagang ipinapakita ng pamahalaan sa taumbayan na nagkakaisa sila sa pagsugpo sa ilegal na droga.
Ayon kay presidential spokesperson Ernesto Abella, bagamat may karapatang magpahayag ng opinyon si Robredo, mas magandang naipapakita ang pagkakaisa laban sa pagkontra sa ilegal na gamot ng gobyerno.
Mahirap makamit ang tagumpay ng isang gawain kung hindi nagkakaisa ang mga tao sa pagsasagawa nito kaya mahalagang magkaintindihan ang bawat isa upang maging malinaw ang patutunguhan ng mga adhikain at makamit ang minimithi sa huli.
Seryoso ang mga isyung katulad ng pagsugpo sa ilegal na droga at alam nating isa itong pangmalawakang problema kaya kailangan talaga ng kooperasyon ng bawat isa dahil walang naidudulot na mabuti ang paggamit o pagbebenta nito bagkus pagkakasakit, kaguluhan at kahirapan lang ang binibigay nito sa atin.
Mahalagang mapanatili ang magandang imahe ng pamahalaan na mayroon silang pagtutulungan at pagkakaisa upang mahikayat din nila ang taumbayan na makiisa sa kanilang mga isinasagawang proyekto dahil sila ang mga tumatayong lider at pangunahing tao na inaasahang mangunguna upang malutasan ang anumang problemang kinakaharap ng isang bansa.
Maswerte tayo dahil nasa malaya tayong bansa at naipapahayag natin nang may kalayaan ang mga suhestiyon at mga opinyon natin hinggil sa mga napapanahong isyu ngunit mabuting pakaisipan muna nating maigi ang mga sasabihin natin at kung may mabuti o masama itong maidudulot hindi lamang sa ating sarili kundi pati na rin sa ating bansa.
By: Gellene Rosalan

Katapangan at Paninindigan
Marapat lamang na hindi magresign si CHR Chairperson Chito Gascon nang dahil sa mga banta ng pangulo laban sa mga Human Rights Advocates upang maipaliwanag nila nang maayos ang kanilang mga saloobin hinggil sa isyu ng mga pagpatay na may kaugnayan sa ilegal na droga dahil nasa malaya naman tayong bansa.
Ayon sa pahayag niya mistulang round 2 na daw kumbaga sa boxing ang pagtatagisan nila ni Pangulong Duterte pero wala silang plano para umatras lalong-lalo na ang magresign na mistulang tamang gawin ng isang tao kung wala naman siyang masaman intensyon
Kung wala namang mali sa ating mga ipinaglalaban, dapat lang na hindi tayo agad agad sumusuko lalo pa’t kung may katuturan naman ang ating mga ipinapahayag at ipinapahayag natin ang mga ito nang mayroong ebidensya at walang mga kasinungalingan.
Maaaring nababahala sila sa mga banta ng pangulo tulad ng pagpugot daw umano ng kanilang mga ulo, na mistulang nakakabahala naman talaga kung tutuusin dahil buhay na nila ang pinag-uusapan dito, pero kailangang magkaroon tayo ng paninindigan sa mga gusto nating patunayan dahil pwedeng maging daan ito ng ating pagkapanalo sa ating laban sa dakong huli,
Kahit sino man ang maging kalaban natin kung may punto naman ang ating mga ipinapahayag at hindi basta-basta lamang magiging isang magandang instrumento ang katapangan at paninindigan upang manalo sa ating laban.
By: Gellene Rosalan

Ang Masid
LATHALAIN

Dismiyadong Pahayag, Positibong Reaksyon
VP Robrebo dismiyado sa nangyare sa Bulacan na nagkaroon ng drug operation ang mga pulisiya .Ayon kay VP Robredo hinihimok niya din ang taong bayan sa pagkadismaya sa nangyaring drug operation sa bulacan na nagdulot sa mga drug suspek na mahuli at ang iba naman ay namatay na halos 32 tao.
Nadismiya ang ikalwang pangulo sa naganap na drug raid sa bulacan dahil sa marahas na kaganapan kung saan maraming tao ang namatay.Ninanais niya na sana ay malaman ng taong bayan at mabigyang pansin ang nasabing pangayayari na maaraing ikadismiya ng nakakadami
Gusto niyang maipakita o maipahayag ng taong bayan ang outrage ng mga ito dahil sa kaukulang nagyari.”Hindi naman ganto ang mga Pilipino” anya ng Vice Presidente na idinidiin ang pangyayari.Gusto din niya sanang igiit na sana hindi na mulin maibalik ang “impunity” na kultura sa ating bansa.
Taliwas naman sa pahayag ni President Rodrigo Duterte ang mga sinabi ng Pangalwang Pangulo na maganda at maayos ang pinakitang pamamahala o pagsasagawa ng action ng otoridad.Naging positibo ang reaksyon ng Pangulo sa nasabing pahayag na napuri nito ang mga taong nagsagawa ng operasyon kontra illegal na droga.
Di din nagustuhan nga mga miyembro ng Malacanang ang naging pahayag ng Pangalwang Pangulo ukol sa naigawang madugong drug raid.Isinimungkahi pa nila na dapat nanahimik na lang ang Pangalwang Pangulo dahi mas maikakabuti kung maipapakita sa taong bayan ang pagkakaisa upang masugpo ang droga.
“Bagama’t may karapatang magpahayag ng mungkahi si Robredo mas makakabuti kung maipapakita sa taong bayan ang pagkakaisa laban sa droga”-Presidential Spokeperson Ernesto Abella
Patuloy ang gitgitan ng dalwang panig ukol sa nasabing sitwasyon na tila walang magpapadaig na kung saan ang mabuting asal ba ni Robledo ang mamanaig o ang pahayag at panunugkulan ng president pa din.
By: Jefferson Vidad
Tibay ng Loob Laban sa Pangulo
“We resign,because it is a winless battle and allow Pres: Duterte free hand and point to replacement” CHR Chito Gaston.
Round 2 na halos ang labanan ng Pangulong Duterte laban sa CHR lalo na kay Chito Gaston na hindi nagpapatinag o natatakot sa hindi pagreresign nito o pag alis ni gaston sa pwesto.
CHR Chito Gaston di nagpapatinag sa pangulo,antayin muna siyang magresign o maimpeach bago maalis sa pwesto.Dinagdag pa niya na kung si Pangulong Duterte ang mamahalasa sa Commission ano ang mangyayare.Gusto niyang maimagine ng mga tao kung si Pangulong Duterte na ang mamahala dito.
Inamin naman ni Chito Gaston na natatakot o nababahala siya sa mga binitiwang salita ng pangulo ukol sa kanila.Idiniin pa ni Gaston na sinabi daw ni Pangulong Duterte sa publiko na ang mga CHR defenders daw ay dapat mabaril o beheaded na ikinabahala ni Gaston.
Iginiit ni Chito Gaston na kung nakakabahala na iyo ay mas nakakabahala yung 700 Extra Judicial Killing (ejk) ay iisa pala naming kaso ang naiisampa sa korte.Ang mga naaksyunang kaso na ay 23 na may rekomendasyon,17 sa prosecutor at 6 sa ombudsman.Aminado naman si Chito na hindi nila ito kayang resolbahin ng ganun ganun na lamang.
“We cannot do it alone”- CHR Chito Gaston
Wika pa ni Gaston na hinihintay na lamang nila ang pagiimpeach ni Housespeaker Alvarez.Nagpahabol pa siya sa salita niyang “looks like madami pa silaang gustong iimpeach e” na parang pang aasar sa pangulo.
Naging malaman ang pahayag ni CHR Chito Gaston ukol sa pagreresign niya sa CHR na dinagdag pa niya na “regardless sa mga kasong sinampa sa pangulo dati ay nandito pa rin siya tumatayo bilang ating Presidente.
By: Jefferson Vidad


Pagbabalik ng Nakaraan ,Agawan sa Islang Walang Kilanlan
Sa tulong ng mga satellite image nakunan ang mga barkong nakapaligid sa pinag aagawang isla sa spratly na sinasabing pagmamay-ari ng tsina ang mga ito.
Muli na namang namataan ang ilang barkong tsina ang pumapaligid sa West Philippine Sea o sa Spratly.Sa pinagaagawang isla nakita ng satellite ng US ang mga pangkaragatang sasakyan ang pumapalibot sa kabuuan ng isla.
Presensiya ng mga barkong tsina namataan ng satellite sa may malapit sa PAG-ASA island malapit sa West Philippine Sea. Gamit ang Asia Marytimes Transperency Initiative (AMTI) naramdaman o nakita ang ilang barkong nakalapit sa mga pinag aagwang isla.
Presensiya ng mga tsina ay naramdaman o nakita gamit ang tulong ng satellite ng US na nagbigay daan upang magbigay impormasyon.Di matukoy kung anong tunguhin/pakay ng mga barkong iyon sa isla. Dinagdag pa ng nakita sa satellite na di matukoy din kung ito ay kasama sa military base na barko ng tsina o hindi.
Nakikita doon na mayroong 9 na barkong ginagamit sa pangingisda at 2 naman ay navy ships ng tsina na kung saan di matukoy kung kasapi ba ito ng militirary vessels sa tsina noong Agosto 13.
Ang tanging naging sigurado lamang ay ang 2 sa mga barkong iyon ay tiyak na ginagamit sa pangingisda dahil nakikita doon ang mga lambat na ginagamit sa pangingisda.Tinutukoy pa ang ibang barko kung ito ay kasapi sa mga barkong pandigma ng tsina.
Patuloy na walang tukoy ang mga nasasabing barko na namamaligid sa West Philippines Sea kung kaya’t nakabantay ang mga satellite upang matukoy kung ito nga ba ay karagatang pandigmang sasakyan ng tsina lalo na ang 2 navy ships na kung kasapi ito sa Marytime Militia ng Tsina.
By: Jefferson Vidad