
KAPSYON:
KALIGTASAN NG PAMILYA. ISINAILALIM SI PATRICIA BAUTISTA AT ANG KANILANG MGA ANAK SA WITNESS PROTECTION PROGRAM, MATAPOS KUMALAT NA MAY TINATAGONG YAMAN ANG ASAWA NA SI ANDRES BAUTISTA. DAHIL SA MGA NATATANGGAP NA DEATH THREATS.
PICTURE AT KAPSYON NI DARSEN NAYNES
Bautista Isinailalim ng DOJ sa WPP
Isinasailalim ngayon, ang asawa ni Commission on elections Chairman Andres Bautista na si Patricia Paz Bautista at ang kanilang mga anak sa Witness Protection Program kaugnay ng pagsiwalat ng mga ito sa itinatagong yaman ng COMELEC Chairman.
Nakatanggap ang mga ito ng death threats , at iba’t-ibang batikos dahil sa ginawa nitong pagsisiwalat.
Nakipagpulong naman si Patricia Paz Bautista kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre II upang ipahayag ang anunsyong ito sa isang press conference.
“It hasn’t been easy but I’ve received a lot of support and kindness and I can’t be more grateful. As in all things I think we have to rise to the occasion and we have to be as strong as we can be but again, it hasn’t been easy,” giit ni Patricia sa nasabing press conference.
Itinanggi rin niya ang sabi ni COMELEC Chairman Bautista na hindi na nakakapasok ang kanilang mga anak nang dahil sa nasabing isyu.
Sinusuportahan pa nga raw ang mga ito ng kanilang mga kaklase.
Sa kabailang banda, sinabi ni COMELEC Chairman Bautista na mayroon lamang siyang net worth na P176.3 million noong taong 2016.
Sinabi rin niya na ang mga ito ay galing sa kanyang financial investments bago pa siya manungkulan sa mamayan noong 2010.
Naghain naman ng impeachment complaint si dating Negros Occidental Representative Jacinto Paras, kay Bautista, ukol sa mga sinabing allegasyon ni Patricia sa kanyang asawa.
-Abegail Sales

32 Patay sa ‘one-time, big-time’ Drug Operation
Ipinahayag ni Vice President Leni Robredo ang kanyang naramdaman sa 24-hour police operation na ikinamatay ng 32 drug suspects sa Bulacan at 26 sa Manila.
Ipinakita rin niya ang kanyang galit at pagkadismaya dito.
"Yung culture of impunity, matagal na nating isinikwal. Sana hindi na natin papayagang makabalik pa." dagdag pa niya.
Sinabi rin niya na hindi tayo ganito, hindi tayo pumapatay ng tao, sa kanyang pagpapahayag ng saloobin sa Naga City.
Ang drug operations ay nagsimula noong August 15 hanggang August 16.
Inaresto naman ng Bulacan police ang 107 na drug users, 49 naman ang arestado sa buy-bust operations, 14 pagsalakay ng mga pulis sa bawat bahay at isa ang binigyan ng search warrant.
Bukod dito, may nakuha rin ang mga pulis na 230 grams ng shabu at 765 grams ng marijuana.
Habang pinuri naman ni President Rodrigo Duterte ang nasabing drug operations, sinabi pa niya na maganda ang nangyaring iyon.
Ngayon naman ay iniimbestigahan na ng Commission on Human Rights ang mga nangyaring pagsalakay.
-Abegail Sales

HUSTISYA. NAGHAIN NG REKLAMO ANG NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION(NBI) LABAN SA MGA PULIS, MATAPOS IMBESTIGAHAN ANG PAGPATAY KAY KIAN DELOS SANTOS. DAHIL SA MALING AKSYON NG MGA ITO.
NBI Nagsampa ng Reklamo sa Pagpatay kay delos Santos
Matapos maimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkamatay ng 17 taong gulang na si Kian delos Santos, ay naghain sila ng criminal complaints sa mga pulis na nasangkot sa nasabing pagpatay sa binata.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), nagsagawa sila noon ng ‘one-time, big-time’ anti-illegal drugs operation in Barangay 160, Caloocan City kung saan nakatira si Kian delos Santos.
Inakusahan ng mga pulis si delos Santos na isang drug dealer, at nang siya ay huhulihin na ay bigla raw itong nanlaban.
Ayon naman sa mga nakakita kay delos Santos, siya raw ay binugbog at sinabihang tumakbo, at binaril.
Sa kuha naman ng CCTV footage, na pinaniniwalaang si delos Santos ang lalaking iyon, ay nakita itong kinaladkad sa isang sulok ng barangay na kung saan natagpuan din ang bangkay ni delos Santos na may 45-caliber pistol, four cartridges at dalawang sachet ng hinihinalag methamphetamine.
Sinabi naman ni Inspector Amor Cerillo na iato ay hindi si delos Santos, kundi isang police asset.
Nagsagawa ang PNP ng Ballistic examination, kung saan mayroong nakitang 9mm na katulad ng 9mm nagamit ni Oares.
“Given the circumstances, gathered evidence proved that it was PO3 Arnel Oares who shot the victim,” giit ng NBI.
Sa ngayon ay nakabinbin na ang criminal complaints ng NBI ukol sa pagpatay kay Kian delos Santos ng mga sangkot na pulis.
-Abegail Sales

Breaking News
Broadcast. Report. Story. Scoop. Expose.
They are very important to our lives, just think what would happen if there aren’t news, if there is no broadcasters and reporters in our country, if we wouldn’t have any radio or television to listen or watch to, I think most of us would be dead by now, because we don’t know what is happening.
People today don’t know the importance of news, they would just be sitting all day holding their phones and surf the web, they would just wait for the news to come to them, they don’t find it. And I think that most people knows the news only when they someone posts it on facebook or Instagram or twitter.
They say that the news has no quality, that it is not true, or it is bias, that is because they don’t know the whole story, they don’t want to know the whole story,they don’t want to know the real quality and essence of the news. News is a noteworthy information. It especially about recent or important events.
That is why all of us , each and every one of us, should know the importance of the news, I am not saying we should take away the right of the people by posting their opinions, and own perspective but for us to know the true story, the real report and broadcast of the real news.


Paglaganap ng Cyberporn sa Bansa Lumalala
©INQUIRER.NET

30th Anibersaryo ng People Power, idinaos
© 8LIST.PH

Mga Tao Nangangamba sa WW III
© MODERNWAR INSTITUTE

Bird Flu Outbreak in the PH Continues
©WEEKLYTIMESOFINDIA.COM

Deadly Earthquake Strikes Leyte
©RADYOAGILA.COM